Treasuring Christ PH
Treasuring Christ PH
Derick Parfan
Part 13 - Awit para sa Haring Tagapagligtas (Ex. 15:1-21)
54 minutes Posted Jun 12, 2023 at 3:11 am.
). Katunayan, isang buong libro sa Bible ang naglalaman ng 150 songs, the book of Psalms, na hindi lang “salita” ng Diyos, kundi “awit” ng mga anak ng Diyos para sa Diyos. Kakaiba ang Christianity sa ibang mga relihiyon sa buong mundo. Ours is a singing religion.
0:00
54:42
Download MP3
Show notes
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang pagkanta ay bahagi ng ating pagsamba? Every Sunday, tuwing nagsasama-sama tayo sa pagsamba, hindi kailanman nawalan tayo ng kantahan. Hindi ito for cultural reasons lang, dahil mahilig kumanta ang mga Pilipino. Inutos ng Diyos na tayo ay kumanta nang sama-sama. “Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos” (Col. 3:16). Katunayan, isang buong libro sa Bible ang naglalaman ng 150 songs, the book of Psalms, na hindi lang “salita” ng Diyos, kundi “awit” ng mga anak ng Diyos para sa Diyos. Kakaiba ang Christianity sa ibang mga relihiyon sa buong mundo. Ours is a singing religion.