Treasuring Christ PH
Treasuring Christ PH
Derick Parfan
Taglish gospel-centered resources for the Filipino Church
"Lumapit sa Diyos nang may Buong Tiwala"
Preached by Ptr. Marlon Santos on Hebrews 10: 19-25. "Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti."
Nov 3, 2023
52 min
Greater Works and Answered Prayers
Preached By: Drin Capili on John 14:12-14 12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.
Oct 16, 2023
58 min
Part 12: Pananatili at Pag-alis sa Church
#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.
Oct 9, 2023
56 min
Our special status in Christ and our mission
Preached by Ptr. Marlon Santos from 1 Peter 2: 9- 10 9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag. "Tayong mga Kristiyano, o ang Iglesya, ay pinili ng Diyos dahil sa Kanyang habag sa pamamagitan ni Kristo para sa natatanging layunin ng pagpapahayag ng Kanyang mga papuri, kadakilaan, at kagandahan sa mundong ito na puno ng kasamaan dahil sa kasalanan." "We Christians, or the Church, were chosen by God out of His compassion through Christ for the unique purpose of expressing His praises, greatness, and beauty in this world full of evil due to sin."
Sep 25, 2023
47 min
Part 11: Tulung-tulong sa Misyon
#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa (Matt. 28:19; Acts 2:44-45; 4:34-35; 1 Cor. 16:1-2; 2 Cor. 9:7; 1 Pet. 4:10-11).
Sep 18, 2023
54 min
Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo
#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5)
Sep 11, 2023
1 hr 1 min
Part 9: Sama-sama sa Paglaban sa Kasalanan
#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo’y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo (Rom. 6:1-4; 12:1-2; Eph. 5:15-18; Col. 3:12-13; 1 Pet. 1:14-16; 2:11-12).
Sep 4, 2023
49 min
Part 8: Pagmamalasakit sa Isa't Isa
#6: Makikigalak tayo sa kasiyahan ng bawat isa, at sisikaping makatulong sa pagdadala ng mga kabigatan, at makiramay sa kapighatian ng bawat isa bilang bahagi ng iisang Katawan at sa paraang mararamdaman ang pagpapahalaga natin sa bawat isa (Rom. 12:15; 1 Cor. 15:25-26)
Aug 28, 2023
51 min
Part 7: Pagdadala ng Ibang Tao kay Cristo
#5: Sisikapin nating palakihin sa disiplina at aral ng Panginoon ang sinumang inilagay Niya sa ating pangangalaga, at hahangaring madala sa Panginoon ang ating mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa kanila (Eph. 6:4; 1 Thess. 2:1-12; Col. 4:3-6).
Aug 21, 2023
55 min
Part 6: Sama-samang Panalangin
Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba (Jas. 5:16).
Aug 7, 2023
47 min
Load more