Treasuring Christ PH
Treasuring Christ PH
Derick Parfan
Part 12 - "Ipaglalaban Kayo ni Yahweh" (Ex. 13:17-14:31)
58 minutes Posted Jun 5, 2023 at 5:02 am.
0:00
58:23
Download MP3
Show notes

Sa wakas, naranasan na rin natin ang kaligtasan. Pero hindi ibig sabihin na ie-expect na natin na pagkatapos nun ay magiging maayos o smooth na ang lahat hanggang sa araw na kuhanin na tayo ng Panginoon. Hindi ibig sabihin na yung buhay ninyo ngayong nakay Cristo na—sa pamilya, sa marriage, sa finances, sa health, atpb.—ay magiging better compared sa buhay ninyo nung wala pa kayo kay Cristo. Alam naman nating posibleng hindi. At kung maka-experience man tayo ng mga difficulties, ‘wag din naman nating isipin na yung paggawa ng Diyos ay dun lang sa initial part ng salvation natin. We are saved by grace, not by works, gawa ng Diyos, oo. Pero ibig sabihin ba nun, pagkatapos nun ay ikaw na ang bahala, kaya mo na ‘yan. Hindi pa tapos ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa atin. Sigurado, oo. Pero hindi pa tapos. May gagawin pa ang Diyos. And don’t expect na yung gagawin ng Diyos ay kung ano ang ayon sa expectations natin.

Preached by Derick Parfan on June 4, 2023 at Baliwag Bible Christian Church