AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips.30-Pilipino]Ang bagong variant ng coronovirus na tinatawag na Omicron at mga restriksyon sa pagpasok ng mga banyaga sa bansang Hapon
2 minutes Posted Dec 7, 2021 at 6:50 am.
0:00
2:18
Download MP3
Show notes

Translation and Narration by Vanny Crispino Text by Morita(2021/12/1)


● Ang bagong variant ng coronavirus na tinatawag na Omicron.

Ang bagong variant ng coronavirus, na pinangalanang Omicron, ay nadiskubre sa Republika ng Timog Africa noong katapusan ng Nobyembre. Ang mga taong tinamaan ng virus na ito at nagkasakit ay natagpuan sa mga bansa sa Africa, Canada, England, Portugal, Netherlands at iba pang mga bansa.

Ang mga taong naimpeksiyon nito ay natagpuan maging sa bansang Hapon. Ang dalawang nabanggit ay nadiskubre noong Ika-1 ng Disyembre at parehong galing sa labas ng bansa.

● Mga Panuntunan ng bansang Hapon simula Ika-1 ng Disyembre

Nagsimulang magkaroon ng restriksiyon ang bansang Hapon upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Hindi pinapasok ang mga banyaga sa panahong ito. Ang mga taong nakatira sa 10 bansa at rehiyon gaya ng Republika ng Timog Africa, Angola, Namibia ay hindi na maaring makapasok ulit kahit meron silang status of residence. Maari namang bumalik ang mga Hapon galing ibang bansa. Subalit, 3500 katao lamang ng bansang Hapon ang maaring bumalik galing ibang bansa sa isang araw. Hindi naman nito maapektuhan ang mga kargang panghimpapawid.

● Isang lumalaking alalahanin

Ang alam natin tungkol sa Omicron ay nagiiba-iba ito ng anyo. Hindi tayo nakasisiguro kung gaano ito nakakahawa at kung gaano ito kabilis lumala. Ang bakuna ay maaring hindi maging ganap na epektibo sa nasabing variant. Kasalukuyang nangagamba ang buong mundo kung ano ang maaring kahinatnan nito.


[参考:References]

BBCNEWSJapan「オミクロン株、世界中で「感染リスク高い」 WHOが警告」2021/11/30

https://www.bbc.com/japanese/59471190

外務省「水際対策強化に係る新たな措置について」2021/12/1

https://www.mofa.go.jp/mofaj/press/release/press6_001000.html

朝日新聞「政府、在留資格ある外国人の再入国も拒否 オミクロン株の水際対策で」2021/12/1

https://www.asahi.com/articles/ASPD145BZPD1UTFK009.html

ロイター「日本到着の国際線予約停止、オミクロン株国内で2例目の感染確認」2021/12/1

https://jp.reuters.com/article/ana-jal-omicron-idJPKBN2IG385

ロイター「アングル:南アの研究者、オミクロン株発見時に受けた衝撃」2021/12/1

https://jp.reuters.com/article/south-african-scientists-idJPKBN2IG2V0

時事通信 「停止要請、一転撤回 国際線予約、在外邦人に配慮―手続き再開へ・オミクロン株」2021/12/2

https://www.jiji.com/jc/article?k=2021120200924&g=eco