Text by Kazuko Morita , Miduho Morita (2020/07/12) Translation and Narration by Veven Cristobal
N1) Maraming tao ang nakaranas ng heat exhaustion at heat stroke sa kalagitnaan ng mahalumigmig at mainit na tag araw sa Japan.
Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ganitong panahon, kailangan nating isaalang-alang ang epekto ng matinding temperatura.
N2)Ang tag araw sa Japan ay tumatagal mula Hunyo hanggang Agusto. Marami ang nahihirapang kayanin ang mainit na klima. Ang karaniwang temperatura ay paunti-unting tumataas kada taon at ngayong tag araw ay inaasahang magiging napakainit.
Ngayong Hunyo, ang rehiyon ng Tohoku sa hilagang Japan ay nakaranas ng mga panahon na umabot at humigit pa sa 35 degree celsius ang temperatura.
N3) Taon taon, higit limampung libong tao ang kinakailangang maospital dahil sa heat stroke. Maging ang mga bata pa at malulusog na tao ay nakaranas nito.
N4)Kapag tumaas ang temperatura, tumataas din ang temperatura ng iyong katawan kaya ito ay pagpapawisan para makapag-adjust sa init at makapantay sa temperatura ng iyong katawan. Maging sa mahalumigmig na klima, nahihirapang sumingaw ang pawis kaya pananatilihin ng iyong katawan ang init. Pinipigilan ng mataas na temperatura ang iyong katawan para makapag-adjust at nagiging dahilan ito ng heat exhaustion at heat strokes.
N5) Kung nakakaranas ng mga sumusunod na simtomas, maaaring ikaw ay nakakaranas ng heat stroke
- nahihilo at namumula ang mukha
- napapagod at nasusuka
- mataas na temperatura sa katawan at pag iinit ng balat
- nakakaranas ng sakit sa katawan at pulikat
- matinding pagpapawis
- nahihirapang uminom ng tubig
- nahihirapang lumakad ng diretso o mag isip ng malinaw
- pagkahimatay
N6) Kailangan mong higit na mag ingat sa matinding sikat ng araw, sa mainit at mahalumigmig na panahon na walang malamig na hangin.
Ang paggawa ng mga pisikal na trabaho o pag eehersisyo sa labas sa gitna ng mataas a temperatura ay maaaring magdulot ng sobrang pagkapagod at heat stroke. Maaari kang magkaroon ng heat stroke at heat exhaustion sa loob ng isang gusali or kahit habang natutulog.
N7) Magpahinga at magpalamig kung masama ang iyong pakiramdam. Umalis sa init ng araw at pumunta sa malamig at air-conditioned na gusali at uminom ng sports drink na may electrolytes para patatagin ang iyong sistema. Ang heat stroke ay lumalala kapag ang tao ay walang kontrol. Sa ganitong lagay, kailangan syang dalhin sa ospital or tumawag ng ambulansya.
Ang mga taong mag isang namumuhay, mga matatanda at maging ang mga bata ay maaaring magkaron ng heat stroke ng hindi nalalaman kung ano ang totoong nangyayari. Kailnagang maging laging handa ang mga pamilya at kaibigan sa ganitong sitwasyon.
※このコンテンツは公益財団法人東芝国際交流財団の助成を受けて作成しています
Source:
厚労省 熱中症予防行動
https://www.city.kimitsu.lg.jp/uploaded/attachment/22256.pdf
ケアネット(Care net)
「withコロナの夏に5つの提言/日本感染症学会・日本救急医学会・日本臨床救急医学会・日本呼吸器学会」2020.06.11
https://www.carenet.com/news/general/carenet/50229?utm_source=m15&utm_medium=email&utm_campaign=2020061201「新型コロナウイルス感染症の流行を踏まえた熱中症予防に関する提言」
『新しい生活様式』下における熱中症予防に関する学術団体からのコンセンサス・ステートメント2020.06.01
http://www.kansensho.or.jp/uploads/files/news/gakkai/covid19_teigen_2006.pdf
「熱中症とは」ドクターズ・ファイル
https://doctorsfile.jp/medication/233/
株式会社タニタ 熱中症の原因と対策
https://www.tanita.co.jp/health/exercise/heatstroke/
気象庁 日本の季節平均気温
https://www.data.jma.go.jp/cpdinfo/temp/sum_jpn.html

