AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips.22-Filipino]Mga impormasyon tungkol ayuda para sa mga pamilyang may maliit na kita at mga anak
1 minutes Posted Apr 14, 2021 at 3:02 am.
0:00
1:54
Download MP3
Show notes

Text by Takeshi Nemoto Miduho Morita(2021/04/03)       Translation and Narration by Vanny Crispino 


Nagpasya ang pamahalaang Hapon na magbigay ng ayudang limampung libong yen sa bawat anak ng mga pamilyang may maliit na kita. Kamakailan, ang nasabing ayuda ay para lamang sa mga solong ama at ina. Ngunit dahil sa pangmatagalang epekto ng Covid-19, tinutulungan narin ng pamahalaan ang mga pamilyang may maliit na kita.

Ang mga makatatangap ng ayuda ay ang mga sumusunod:

1) Mga pamilyang tumatanggap nang pangtustos para sa pagpapalaki ng mga anak.

2) Mga pamilyang may mababang kita.

3) Mga pamilyang patuloy ang pagbaba ng kinikita.

Ang nasabing ayuda ay nagkakahalaga ng limampung libong yen.

Ang mga pamilyang tumatanggap nang pangtustos para sa pagpapalaki ng anak ay hindi na kailangang mag-aaply upang makatanggap ng pondo. Inaasahan na matatanggap nila ang pera sa Mayo. Ito ay kanilang matatanggap gamit ang mismong account para sa pangtustos para sa pagpapalaki ng anak. Samantala, kailangan namang mag-apply ng mga pamilyang may maliit na kita at mga pamilyang patuloy ang pagbaba ng kinikita upang matanggap ang pondo. Kailangan nilang mag-aaply sa kani kanilang mga prefecture at siyudad kung saan sila nakatira. Gayunpaman, hindi pa inihayag ng gobyerno kung paano mag-apply at kung kailan matatanggap ang pondo. Ang nasabing pondo ay tinatawag na Special Support Fund for Living for Family with Children.


text by Takeshi Nemoto

Source:

厚生労働省「低所得の子育て世帯に対する子育て世帯生活支援特別給付金(仮称)」

https://www.mhlw.go.jp/stf/newpage_11456.html