AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips.19- Filipino] Pagtatapos ng Estadong Pang-emerhensiya sa anim sa lugar
3 minutes Posted Mar 3, 2021 at 1:08 am.
ng gabi lamang at ang mga nagtitinda ng nakalalasing na inumin ay hanggang 8:30 ng gabi sa loob ng tatlong linggo hanggang Ika-21 ng Marso.
rin ng gabi ang pagsasara ng mga tindahan ng pagkain at inumin sa Aichi prefecture at ito sa sa loob ng dalawang linggo hanggang Ika-14 ng Marso.
0:00
3:10
Download MP3
Show notes
Text by Midho Morita(2021/02/28)     Translation and Narration by Vanny Crispino(2021/03/02) 
Nagdesisyon ang gobyerno ng bansang Hapon na tapusin ang estadong pang-emerhensiya sa anim na lugar ng mas maaga sa itinakda. Ang nasabing mga lugar ay ang Osaka, Kyoto, Aichi, Gifu at Fukuoka.
Nagsimulang dumami ang mga nagkakasakit ng Covid-19 noong nakaraang Nobyembre ngunit salamat sa lahat ng nakiisa sa pagpapatupad ng estadong pang-emerhensiya. Unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng nasabing karamdaman.
Ang pagtatapos ng estadong pang-emerhensiya ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis ng mga restriksyon. Nakadepende pa rin ito sa lugar.
Ang mga nagtitinda ng pagkain at inumin sa siyudad ng Osaka ay hanggang
Ganun din sa mga nagtitinda ng pagkain at inumin sa Kyoto prefecture ngunit ito ay hanggang isang linggo lamang sa labas ng siyudad ng Kyoto at dalawang linggo naman sa siyudad ng Kyoto na magtatapos sa Ika-14 ng Marso.
Hanggang
Ganun din ang oras ng pagsasara ng mga tindahan ng pagkain at inumin sa Hyogo, Fukuoka at Gifu prefectures at ito sa loob ng isang linggo hanggang Ika-7 ng Marso. Hihintayin din ng nasabing mga lugar ang mga susunod na pangyayari bago magdesisyon kung ito ay palalawigin matapos ang Ika-7 ng Marso.
Ang mga tinutukoy na tindahan ng pagkain at inumin ay hindi lamang tumutukoy sa mga restawran. Kasali rin dito ang mga kapihan, mga bar at mga lugar na may mga karaoke. Maaaring makatanggap ng 40,000 yen sa loob ng isang araw ang nasabing mga tindahan bilang pakikiisa sa gobyerno. Ang nasabing halaga ay hindi agarang makukuha dahil maaaring magtagal ang aplikasyon nito.
Pinapayagan narin ang mga pagtitipon tulad ng mga palaro at konsyerto kung ito ay hindi hihigit sa 10,000 na katao at hindi lalagpas sa limampung porsyentong kapasidad.
Hindi parin pinapahintulutan ang mga dayuhan ng makapasok ng bansang Hapon.
Pinapakiusapan din ng gobyerno ang mga mamamayan na iwasan muna ang mga pagdiriwang at pamamasyal na may kaugnayan pagtatapos ng klase at Hanami. Kung kakain kasama ang mga kaibigan ay tiyakin na ang bilang ay hindi hihigit sa apat na katao at higit sa lahat ay magsuot ng pantakip sa ilong at bibig.