AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips12-Tagalog] Limang sitwasyon na madaling mahawahan ng bagong corona virus (COVID-19)
3 minutes Posted Dec 9, 2020 at 2:24 pm.
0:00
3:14
Download MP3
Show notes

Text by Miduho Morita,  Takagi (2020/11/12)     Translated and narrated by Shierante (2020/12/07)


●Lumalamig na ngayong parating ang Nobyembre! Kamakailan ay nasasaksihan ng Japan ang pangatlong bugso ng impeksyon sa COVID-19, na may higit sa isang libong mga bagong kaso araw-araw.

● Kailan tayo madaling kapitan ng impeksyon? Hanggang ngayon, sinasabi na dapat nating iwasan ang tatlong "C".(1) (Closed spaces with poor ventilation) nasa isang lugar kung saan ang hangin ay hindi nagbabago, (2)( Crowded places) kung saan maraming tao ang nagtitipon, (3)( closed contact settings) magkakalapit na mga tao, at nag-uusap sa di kalayuan. Ang mga eksperto sa Japan ay pinag-aralan ang mga halimbawa ng mga may impeksyon sa ngayon at ipinakita ang limang mga sitwasyon na kung paano mas madaling mahawahan ng impeksyon.

1) Isang tagpo ng pagkain habang umiinom ng alak Maraming tao ang nakakalimutang magkaroon ng kamalayan ukol sa mga impeksyon kapag uminom sila ng alak.

2) Isang eksena kung saan ang isang malaking bilang ng mga tao ay nagtitipon at kumakain sa mahabang oras Kapag maraming tao ang nagkakasama, malakas silang nag-uusap. Ang pagkain ay nagdaragdag ng laway at nagiging madali ang pagtalsik mula sa labi.

3) Pakikipag-usap sa iba nang hindi nagsusuot ng maskara Mayroong isang pagkakataon na mahawahan sa pamamagitan ng mga talsik mula sa paghinga na binubuo ng laway o uhog na nagmumula sa mga bibig o ilong ng ibang tao kapag nakikipag-usap ka sa kanila nang hindi nagsusuot ng maskara.

4) Sitwasyon ng pamumuhay na may kasamang iba Maraming tao ang nakakalimutang mag-ingat sa mga lugar na kanilang tinitirhan at tinutuluyan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.Sa partikular, maraming mga kaso ng impeksyon sa maliliit na lugar kung saan maraming tao ang nakatira nang magkasama, o sa mga lugar kung saan maraming tao ang nakatira, tulad ng mga dormitoryo ng mag-aaral.

5) Sitwasyon kapag ikaw ay nagpapahinga Kung ang isang tao ay nahawahan sa isang silid pahingahan, lugar ng paninigarilyo, o pagpapalit ng damit, maaari silang mapalapit sa ibang mga tao at makapanghawa, o ang virus ay maaaring lumitaw sa kanilang hinawakan. Maraming nahahawahan tuwing bakasyon.

●Maraming tao ang walang mga sintomas kapag nahawahan ng bagong corona virus. Para sa bagong corona virus Mag-ingat na huwag mahawahan ang iyong sarili o mahawahan ang iba.


Source:

新型コロナウイルス感染症対策分科会

「分科会から政府への提言」2020/10/23

https://www.cas.go.jp/jp/seisaku/ful/bunkakai/teigen_12_1.pdf

ABEMA TIMES 2020/11/10(火)

感染拡大の“減少要因”を“増加要因”が上回る可能性

…政府の新型コロナ分科会が「5つのアクション」を緊急提言

https://news.yahoo.co.jcles/3fde66635c93447d5850ca24c77f368f5d631c8b

p/arti