Text by Miduho Morita (2020/09/23) Translated by Yuri Narrated by Shierante (2020/10/03)
● Sa kasalukuyan, sa Japan, nagsasagawa kami ng isang "pambansang sensus".
Ang sensus ay tinatawag na Population Census sa Ingles. Ginagawa ito ng bansa upang suriin ang populasyon, atbp, at upang makagawa ng mga patakaran at pagpapaunlad ng bayan. Ito ay para sa lahat ng mga tao na nakatira sa Japan. Ito ay gaganapin minsan sa bawat limang taon.
● Mayroong 16 na katanungan (hindi itatanong), pangalan, kasarian, edad, trabaho, nasyonalidad, may asawa. Ginagawa itoupang malaman ang bilang ng mga tao sa isang sambahayan, atbp.
Kung titingnan mo ang website ng Kokusei2020, may mga paliwanag sa 29 na wika. Maaari mong malaman kung ano ang isasagot. Pagkatapos, maaari kang sumagot sa Internet gamit ang iyong smartphone o computer.
● Tutugon ka sa dokumento na "Humiling para sa National Census" na dumarating sa iyong bahay sa pamamagitan ng koreo. Ang numero ng ID para dito ay nakasulat. Ang isang login ID ay para sa isang sambahayan. Ang isang sambahayan ay isang tao na nakatira sa parehong lugar at may bahagi sa kanilang pamamahay, tulad ng gastos sa pamumuhay. Ang mga miyembro ng pamilya at kasosyo ay nasa iisang sambahayan, at kung nakatira sila sa isang silid o dormitoryo ng kumpanya, sila ay magkakahiwalay (sa kaso) o Betsubetsu.
●Para sa mga hindi makasagot sa Internet, isulat ito sa form, sa sobre at ipadala ito sa pamamagitan ng koreo.
● Ang isang mananaliksik ng pambansang sensus ay maaaring magtungo sa iyong bahay. Mayroon din syang card ng mananaliksik na may larawan (shashin). Bagama’t sinasabing ito ay isang pambansang sensus, ngunit may mga taong gumagawa ng di tama. Mag ingat ka. Kung tatanungin ka para sa iyong bank account o numero ng credit card, huwag itong sagutin.
source:
国勢調査2020 ウェブサイト
https://www.kokusei2020.go.jp/index.html
国勢調査2020 ウェブサイト Englishのページ
https://www.kokusei2020.go.jp/en/index.html
まいどなニュース 2020/9/19
国勢調査の「かたり」にご注意、5年前にも出没 オンラインがおすすめって本当?
https://news.yahoo.co.jp/articles/0f7a1c3fde250ac5efb6ffd57c0fbc43fa584d38

