
sa tuwing nakikita ko mula sa malayo
iyong mga ngiting hindi na para sa akin
isa lamang ang nasasabi ko
sa king sarili: ngayong araw ay
muling masaya ang langit
—Steven Clark
Larawan: Romeo Reyes
Nov 6, 2021
18 sec

Para sa paborito kong kapitbahay tuwing Aug 26 hahah.
Aug 25, 2021
2 min

May pag-ibig na aakalain
mong para sa'yo.
At habang nararamdaman
mo ang saya,
hindi mo iindahin ang pagod,
magpapatuloy ka lang
sa pagsugal at pagbabaka sakali
dahil masaya ka naman kasi—
masaya ka pa.
Ngunit darating ang oras
na unti-unti kang mauubos,
maaalimpungatan ka na lang
na naibigay mo naman na
ang lahat, pero bakit hindi pa rin
siya sa'yo at hindi ka pa rin sa kanya—
ang saya ay magiging luha.
Hindi na magiging sapat
ang magdamag upang makalimot,
magkukusa na lang ang lungkot
na alukin kang dumaing na ng pagod.
Hanggang sa hindi mo na
maintindihan ang pakiramdam
dahil sa huli, hindi ka pa rin naman pinili.
—Siyelo
Aug 24, 2021
1 min

This spoken poetry is inspired by the new song of Ben & Ben.
Aug 14, 2021
1 min

May mga bagay na kailangan maranasan kahit hindi mo man alam ang dahilan
Jul 31, 2021
1 min
Load more

