Ututang-Dila
Ututang-Dila
Ututang-Dila Podcast
Makisali sa tsismisan, bardagulan, at paminsang kritikal na kuwentuhan ng mga miron ng Malabon. Dahil sa pinagdadaanan ng Filipinas, napatunayan namin na nakababawas ng lungkot at lumbay ang makasali o makinig sa usapan ng ibang tao. Hindi natin alam kung sino ang nangangailangan makarinig ng mga sinasabi natin. Kung kailangan mo ng kaibigan, sasalubungin ka namin ng yakap at malutong na hagalpakan. Tara?
Agenda 17: Our Kind of Pride Icons: Then and Now
Kumusta, mga mahal!!   Tunay na paunti-unti ay umuusad na tayo. Pero sa pag-usad natin, sabay-sabay nating balikan ang mga kasama natin na naging parte ng ating pagkamulat sa tunay na pagkatao. Pag-usapan natin ang kanilang mga ambag upang mas maging progresibo ang ating komunidad— at siyempre ay pasalamatan na rin. Kung gaano kahalaga ang kasalukuyan ay kasing kahalaga rin ng nakaraan.  Sa pangalawang PRIDE agenda ng Ututang-Dila, magbibigay pugay tayo sa mga nauna nang lumaban at patuloy na lumalaban. At lalaban pa lang?? ISAMA NA NATIN LAHAT!! Walang maiiwan sa journey na ito. Kita-kits sa makulay na bukas, mga mahal!   HAPPY PRIDE! 🏳️‍🌈   #AtinAngKulayaan   Disclaimer: Hindi pa ina-announce ang Pride March events nang i-record namin ito. Sorry na!   2022 Metro Manila Pride March and Festival 25 June 2022 | PASAY CITY Pride Ph Festival Pride Expo | Pride March | Pride Night 25 June 2022 | QC MEMORIAL CIRCLE
Jun 20, 2022
34 min
Agenda 16: Babae Ako and these things matter
"Kababae mong tao..." Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong mapandikta sa kung ano, sino, at paano "dapat" maging babae. E teka, may formula ba?  In this day and age, hindi natin maitatanggi na marami pa ring low-key misogynist na hirit ang lipunan tungkol sa mga babae. Joke man o coming from a place a love, meron talaga. Baka yung iba hindi nila alam na degrading pala yung mga sinasabi at ginagawa nila para sa mga babae. Di rin natin sure. Para sa unang agenda sa ating 3rd Season ~uwu~ susubukin nating ipaalam sa madla ang mga bagay na maaaring iniisip nila ay maliit na bagay lang pero sa totoo ay may malaking epekto sa mga babae. Kasi koya, minsan, hindi na pagiging gentleman yung ginagawa/sinasabi mo. Paki-check din kasi baka misogynist ka na pala. We know, we know, wala pa sa kalingkingan ang mga mapag-uusapan namin. Nasa surface level pa lang tayo. Kaya join the discussion, mga miron! Na-miss namin mag-record jusko! Ayan tuloy pati youtube pinatos na namin.
Mar 9, 2022
35 min
Ututang-Dila: The Lost Agenda
Tag-ulan noon, ate Charo, nang maisip namin– bakit hindi tayo mag-record ng mga kuwento tungkol sa ulan? Kaya iyon ang ginawa namin hanggang sa, wala… wala na kaming maisip. NARITO NA ANG UTUTANG-DILA: THE LOST AGENDA. Sobrang at a loss talaga kami! Wala kaming ma-upload dahil sa ECQ kaya napagtripan naming i-upload ito. Tara, sabay-sabay nating pakinggan. Literal na ngayon lang din namin ‘to pakikinggan at tawang-tawa na kami kaagad sa kawalang kuwenta nito. Mahihiya talaga si Direk Tonet baka magpalit bigla ng title sa sobrang legit na walang kwenta nitong amin. Walang filter. Walang cut. Walang halong anything. Kahit sense, WALA!
Aug 24, 2021
27 min
Agenda 15: Filipinas, Gamerist KNB?
Baby, let the games begin! Are you ready for it? Sarap sa ears!! Very playboy at playgirl lang ang galawan. Ano nga ba itong *mobile games* na patok na patok sa mga chikiting? Samahan kaming mga gaymer at playgirl (char) na pagtawanan kung paano unti-unting sinisira ng mga larong ito ang aming mga buhay. Kung magkano na nga bang nakupit at nagastos namin para lang gumanda ang hitsura ng aming mga karakter. At kung paano kami ma-first blood. Awtsu From board games to mobile games real quick talaga! Pero alinman diyan sa dalawa- hayyyy napakasarap maadik. Laruso na tayo please. SAVAGE!
Jul 29, 2021
48 min
Agenda 14: Sabi ng Matatanda
Bilang mga Filipino, napakahilig nating maniwala at matindi ang pananalig sa mga bagay na walang basehan. Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung kaya ka ba nagkasakit ay dahil nagsimulang gumamit ng alkansiya yung nanay mo? Sabi kasi ng mga matatanda 'di ba para ka raw nag-iipon para sa hindi inaasahang pagkakagastusan.  Ito talagang mga thunders, ang dami-daming sinasabi. Kaya sa agenda na ito, tatambayan natin ang mga pamahiin na kinalakhan nating mga Filipino. Paniguradong meron at meron kang religiously ginagawa o pinaniniwalaan kahit isang pamahiin lang. Maliban pa sa naniniwala kang mahal ka niya ha? Ang mga paniniwala na hindi makasasama, makasasakit, at nananatiling patas sa lahat ng tao ay marapat lang na respetuhin. Respect, bagets. Respect. Oo, iba na.
Jul 17, 2021
36 min
Agenda 13: Minus Ligtas Points Tayo!
Para sa brand new agenda ng mga miron, nagkaroon kami ng controversial yet brave chikahan tungkol sa aming mga guilty pleasures. Babala, asawa ni babalu, listen at your own risk. Char! Kami po ay tao lamang na nadadarang at natutukso rin. Kaya paumanhin po agad kung may masabi man kaming hindi ninyo magugustuhan dahil for sure meron talaga! Hahaha. Ang agendang ito ay puno ng tawanan, hagalpakan, at kantahan kaya masisiguro naming mag-e-enjoy kayo hanggang dulo! Samahan ninyo kami sa impyerno. Ang hindi matawa, minus ligtas points!!!
Jul 7, 2021
26 min
Agenda 12: When we were bata pa...
Noong bata ka, nakaligo ka ba sa baha? Nagtinda ka ba ng pulot at nagpataya ng ending?  Taas kamay ng mga sumubaybay sa Pira-pirasong Pangarap para makasigurong mapanood mula umpisa ang Doraemon! Sa agenda na ito, samahan ninyo kaming magbalik-tanaw sa mga pinaggagawa namin noong bata kami. Nararanasan pa ba ito ng mga batang kilala ninyo?
Jun 19, 2021
40 min
Agenda 11: Ang PRIDE na hindi linulunok
Ito na ang buwan na pinakamasaya ang sangkabaklaan! Charot! Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ang Pride Month sa buong mundo- ipinagdiriwang at ipinaglalaban ang karapatan ng LGBTQ+ Community upang makamtan ang pagkakapantay-pantay at alalahanin ang mga lumaban para sa komunidad. Naks naman! Sa agenda na ito, mag-barbie-han tayo tungkol sa aming mga kabaklaan. Mga chika na malamang sa alamang ay napagdaanan din ng mga kapatid natin sa pananalig. At siyempre, hindi naman mawawala ang mga kuwentong ally rin na nakatulong sa atin sa kalupitan ng mga chaka sa mundo!  Happy Pride, mga mahal!!! We are valid! Trew????
Jun 7, 2021
43 min
Agenda 10: Hanggang leeg ka rin ba magiging faney?
Uxta mga miron! Dahil sa inyong patuloy na pagsubaybay, nandito na ang season 2 ng Ututang Dila! New season, same people because we are perfect. Charot. Sa unang agenda ng season 2, pag-uusapan ng mga miron ang kanilang mga idolo (syempre hindi si Idol) at kung bakit sila humanga sa kanila.  Magandang meron tayong hinahangaan at sinusubaybayan (gaya ng mga miron, ehem!), ngunit mas maganda kung kaya nating punahin ang pagkakamali nila at huwag i-tolerate lalo na sa ibang may idolong politiko. Dili na lang talaga kami mag-tell. We solemnly swear that we got smarter, we got harder in the nick of time and we are confidently beautiful with a heart. Can I get an amen up in here?
Jun 7, 2021
46 min
Welcome to Ututang-Dila
Ututang-Dila is your virtual barkada. Mga taong makakasama mong tumawa; magkukuwento ng mga maaaring kuwento mo rin; at hindi ka hahayaang mag-isa. Sa podcast na 'to, marami kang puwedeng masagap na kuwento -- mula sa pinakasabaw hanggang sa mga kontrobersiyal na usapan. Kaya mga kapuwa miron, welcome sa inyong virtual tambayan. Feel at home!
May 29, 2021
1 min
Load more