The Linya-Linya Show
The Linya-Linya Show
Ali Sangalang and Linya-Linya and The Pod Network Entertainment
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
414: May Susunod Pang Kabanata - How Teleserye Saved My Life w/ Louie Jon Sanchez
Noong huli nating nakasama si Prof. Louie Jon Sanchez sa The Linya-Linya Show, napagkwentuhan namin ang teleserye, Pinoy drama, at ang mga kuwentong kinahuhumalingan nating mga Pilipino.Sa kanyang pagbabalik, ibang kuwento naman ang kanyang dala.Kasama natin ang makata, literary critic, at UP Diliman professor para pag-usapan ang kanyang cancer journey, kung paano nito binago ang kanyang pananampalataya, pagsusulat, pagtuturo, at pagtingin sa buhay. Napag-usapan din namin kung bakit, para sa kanya, “the teleserye or melodramatic imagination saved me,” at kung paano nagiging tahanan ng pag-asa ang mga kuwento sa gitna ng kawalang-katiyakan.Isang tapat, magaan, at makabuluhang usapan tungkol sa sakit, sining, pag-asa, pananampalataya, at sa paniniwalang—gaano man kahirap ang kasalukuyan—may susunod pang kabanata.Pakinggan ang buong episode ng The Linya-Linya Show, available na sa Spotify, YouTube, at iba pang podcast platforms.
Jul 17
1 hr 46 min
413: Bara-Bara - I-angat. Iboses. Ilaban. w/ ILAYA
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Ilaya— emcee, songwriter, at isa sa mga pinakamatagal nang boses ng conscious hip hop sa Pilipinas.Napag-usapan namin ang kanyang paglalakbay mula Taguig hanggang Rizal, ang pagpasok niya sa mundo ng hip hop, at ang mga impluwensyang humubog sa kanya bilang artist. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa grupo niyang Uprising, at kung paano niya ginagamit ang musika at pagsusulat para magkuwento, magtanong, at makilahok sa mas malalaking usaping panlipunan.Syempre, napunta rin ang usapan sa FlipTop— ang kanyang battle rap journey, creative process, judging philosophy, at ang papel ng originality sa sining.Pero higit sa lahat, naging usapan ito tungkol sa pagharap sa mga nangyayari sa lipunan— sa galit, sa dismaya, sa pakiramdam na tila walang nagbabago, at sa tanong kung paano pa ba tayo patuloy na makikialam. Sa huli, bumalik pa rin kami sa sining, creativity, at sa kahalagahan ng patuloy na bumoses habang may natitira pang lakas at pakialam.Samahan n'yo kami ni Ilaya sa solid na kuwentuhang ito.Listen up, yo.
Jul 11
2 hr 25 min
412: Manatiling Malikhain w/ Quiccs Maiquez
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging malikhain?Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, kasama natin ang world-renowned artist, designer, at creator ng TEQ63 na si Quiccs Maiquez. Mula sa graffiti at street culture hanggang sa designer toys na kinokolekta sa iba’t ibang panig ng mundo, kuwentuhan tayo tungkol sa pagbuo ng isang creative career na sabay na may artistic vision at business sense.Napag-usapan namin ang pinagmulan ng kanyang creative journey, ang pag-usbong ng local art at toy scene, kung paano nagtatagpo ang creativity at commerce, ang halaga ng collaboration, at kung bakit mahalagang manatiling malikhain sa panahon ngayon.Kasama rin ang kuwento sa likod ng Linya-Linya x Quiccs collaboration, ang kultura ng pagkolekta, at kung bakit ang mga bagay na pinipili nating ipunin ay madalas nagsasabi rin ng kuwento tungkol sa atin.Isang episode para sa mga artist, designer, entrepreneur, collector, at sa lahat ng gustong gumawa ng mga bagay na may saysay.
Jul 6
1 hr 45 min
411: Pride & Punchlines w/ Inah Evans
Ang pagbabalik ni Inah Evans sa The Linya-Linya Show!Marami nang nangyari mula noong huli natin siyang makasama— mula hosting, TV shows, podcast guestings, theater, improv, at stand-up comedy. Busy at blessed, ika nga. Sa dami ng hats na sinuot niya sa mga nakaraang taon, napagkuwentuhan namin kung paano niya bina-balanse ang iba’t ibang passions, projects, at opportunities na dumarating.Napag-usapan din ang kanyang upcoming comedy show sa Music Museum ngayong July, ang mga natutuhan niya sa pagpe-perform sa iba’t ibang entablado, at kung paano siya patuloy na lumalago bilang artist at performer.At syempre, hindi rin namin pinalampas ang usapan tungkol sa Pride PH Festival. Bilang host mula pa noong unang Pride PH hanggang ngayong ikaapat na taon nito, ikinuwento ni Inah ang evolution ng festival, kung paano ito lumaki kasabay ng komunidad, at kung ano ang maaaring asahan ng mga dadalo sa Pride March at Festival ngayong taon.Isang masaya, makulit, at makabuluhang catch-up tungkol sa comedy, creativity, community, at ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, representasyon, at empowerment.Listen up, yo.
Jun 19
1 hr 12 min
410: Truth, Trolls, and the Information War w/ Regine Cabato
Ang nakasama natin sa show, si Regine Cabato— investigative journalist, researcher, former Washington Post reporter, Chevening Scholar, at isa sa mga Pilipinong matagal nang sumusubaybay at nagsusuri sa mga usapin ng disinformation, troll networks, technology, at democracy.Napag-usapan namin ang kanyang simulain bilang poet at journalist—at kung paano nagtagpo ang mga mundong ito sa kanyang trabaho ngayon. Mula sa pagsusulat ng tula hanggang sa pag-iimbestiga ng disinformation, ikinuwento niya kung paano nakatulong ang creative writing sa paghubog ng kanyang boses, pag-unawa sa mga tao, at paghahanap ng katotohanan sa gitna ng ingay at impormasyon.Natural, napunta rin ang usapan sa mga tanong na mahalaga sa ating lahat: Paano nga ba gumagana ang disinformation? Ano ang papel ng troll farms at political machinery sa paghubog ng pampublikong opinyon? Paano binabago ng teknolohiya ang information landscape? At sa panahon ng influencers, algorithms, at walang tigil na content, paano natin malalaman kung ano ang dapat paniwalaan?Pinag-usapan din namin ang mga aral mula sa nakaraang mga election cycle, ang mga hamon na posibleng harapin natin sa 2028, at ang mas malalim na tanong sa likod ng lahat ng ito: Paano ba mabubuhay bilang ordinaryong mamamayan sa mundong tila laging may umaatake sa katotohanan?Magkahalong masinsinan at magaang kwentuhan tungkol sa journalism, media, politika, katotohanan, at pag-asa. Sa tingin ko, napakahalagang mapakinggan at mapag-usapan. Listen up, yo.
Jun 12
2 hr 15 min
409: The Spirit of Drinking w/ John Go
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si John Go— long-time bar fly turned alcohol importer, distributor, educator, cocktail enthusiast, at certified spirits geek.Bilang mga taong mahilig uminom pero marami pang gustong matutuhan tungkol sa mundo ng alak, napunta ang usapan namin sa mas malalim na bahagi ng drinking culture— hindi lang bilang bisyo o libangan, kundi bilang kasaysayan, craftsmanship, kultura, at paraan ng pakikipagkapwa-tao.Napag-usapan namin ang iba’t ibang uri ng spirits tulad ng rum, tequila, at mezcal; ang Pinoy drinking culture at kung paano ito naiiba sa ibang bansa; mga common misconceptions tungkol sa alak; at kung paano mas maeenjoy ang pag-inom nang may mas malalim na appreciation at responsibilidad.Kwento rin ito ng isang taong ginawang propesyon ang passion niya— mula pagiging regular na tambay sa mga bar hanggang sa pagiging isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga underrated at underappreciated spirits sa Pilipinas.Kung gusto mong matuto tungkol sa alak, cocktails, bar culture, at kung paano uminom nang may mas malalim na pag-unawa sa iniinom mo, para sa’yo ang episode na ito.Listen up, yo.
Jun 5
1 hr 41 min
408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall Bonifacio
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night.Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hinubog ng iba’t ibang lugar, kultura, at karanasan ang kanyang pananaw bilang artist at bilang tao.Nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagpasok niya sa hip hop at battle rap, mga impluwensya mula sa local at international scenes, at ang madalas na usapin tungkol sa pagiging “foreign influenced.” Tinalakay rin namin ang pagkakaiba ng international at local battle rap, kung saan tayo lamang, at kung ano ang natatanging ambag ng FlipTop sa sining, kultura, at lipunang Pilipino.Napunta rin ang usapan sa ilan sa kanyang mga pinaka-memorable na laban, sa creative process at pagsusulat, hanggang sa experience at thought process nya bilang madalas na napipiling judge.Umabot din kami sa usaping originality, confidence, paninindigan, at kung paano manatiling totoo sa sarili sa isang eksenang laging nagbabago.Classic sh*t ito. Solid ka, Marshall Bonifacio.Listen up, yo.
May 29
2 hr 11 min
407: It's SEOUL good! w/ Reich Carlos
Touchdown, Seoul! Nag-ikot kami ni Reich sa Seoul para mag-food trip, maghanap ng cocktail bars (nakapunta kami sa #1 bar in South Korea!), record stores, hobby shops, parks, museums, at mas makilala ang kultura ng Korea. At oo, isa sa pinakamasarap na ramen na natikman namin… sa South Korea pa talaga! Hindi man kami super fans ng K-pop, K-drama, o K-culture, K na K naman ang biyahe namin — mula samgyup, cafés, at cocktails hanggang sa Piattos discoveries, “one dish per person,” at kung may Anti-Buraot Act nga ba talaga sa Korea. Samahan n’yo kami sa kwentuhan tungkol sa isang trip na mas masarap, mas insightful, at mas nakakatawa kaysa sa inaasahan namin. (Featuring: legit samgyup verdict, Korean café culture, Mary Grace Piattos, at iba pang kalokohan)
May 22
1 hr 29 min
406: Kapag nanalo ako sa lotto.. - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio
Sa episode na 'to ng Livin’ The Filipino Life, nagkuwentuhan sina Ali at Victor tungkol sa isang tanong na minsan, napapaisip tayong lahat: “Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa lotto?”Mula sa mga pangarap, “responsableng” plano, pati na ang mga luho, napunta rin ang usapan sa mas malalim na realities ng adulthood, trabaho, pressure, at kung bakit minsan, parang gusto na lang talaga nating tumama sa lotto para makahinga.Pakinggan nyo na, kasi baka pag nanalo kami sa lotto, hindi niyo na kami mahanap at mapakinggan. Joke lang, ahahaha. Listen up, yo.
May 15
1 hr 2 min
405: Online Reality Games w/ Pinoy Survivor League
Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam!Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang tumatagal ang kwentuhan, mas narealize kong hindi lang pala ito laro o online competition. Sa maraming paraan, nagiging microcosm din ito ng Pilipinas—may pulitika, alliances, strategy, drama, social dynamics, at reflections ng ugali nating mga Pinoy.Napag-usapan din namin kung bakit sila nahilig dito, ano ang fulfillment na nakukuha nila, paano nabuo ang community, at kung paano naging space ang PSL hindi lang para sa entertainment, kundi para rin sa friendships, advocacies, at minsan, social commentary.Isang unexpectedly insightful at fascinating na kwentuhan tungkol sa internet culture, human behavior, community-building, at pagiging Pilipino sa digital age.Listen up, yo!
May 8
59 min
Load more