Show notes
Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) ang pagsisimula ng official investigation sa mga 'di umanong "crimes against humanity" na nangyari sa kasagsagan ng war on drugs ng Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama sa coverage ng imbestigasyon ang mga patayang may kaugnayan sa illegal na droga na nangyari sa Davao City sa taong 2011 kung saan si Duterte ay vice mayor pa ng lungsod.

