
Ayon sa isang pag-aaral, 73 percent ng mga Filipino nakilahok sa survey ang nagsabing sa social media sila kumukuha ng balita. 73 percent din sa kanila ang nagsabing Facebook ang news source nila.
Jun 18, 2022
35 min

Malaki ang kinalaman ng fake news at historical distortionism sa nakaraang election. Gaano nga ba kahalaga na tama ang ating pagkakaintindi ng ating kasaysayan? Kunin natin ang perspektibo ng isang tanyag na historian sa kung gaano ka-importante na matuto tayo sa mga magaganda at pati natin sa mga maling aral ng ating nakaraan kasama si History professor @Xiao Chua, Dito lamang sa loob ng The Press Room.
May 19, 2022
53 min

Habang papalapit ang eleksyon, makikitang nagiiba din ang ihip at mundo ng pangangampaniya ng mga kandidato sa bansa sa tulong ng kaniya-kaniyang diskarte ng mga tagasuporta ng mga kandidato.
Alamin kung paano nahubog ng mga supporters ang tila makabagong paraan ng pangangampaniya sa episode na ito ng The Press Room.
May 4, 2022
53 min

Usapang pagbawi ng nakaw na yaman ng mga Marcos, at ang pagkalat ng fake news at disinformation na nakakaapekto sa pananaw at pagpili ng mga botante sa mga susunod nating opisyal, at ang proseso nga ating halalan ang ating pag uusapan kasama ang dating Commissioner ng Presidential Commission on Good Government at Chairperson ng Commission on Elections, Atty. Andy Bautista.
Samahan niyo po kami sa malalimang talakayan sa isyu ng bayan dito sa loob ng Press Room.
Apr 24, 2022
54 min

Umiinit na din ang lipatan ng kampo mula sa national position hanggang sa local.
Ating pag usapan ang halaga ng mga local officials sa national campaign ng tumatakbong presidente ng bansa at kung ang endorso ba nila ay nakakatulong sa desisyon ng mga botante
Apr 5, 2022
37 min

Sabi ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya sasama sa mga debates at media forum at gugugulin na lang nila ang kaniyang oras kasama ang kanyang ka tandem na si dating senador Bongbong Marcos na dumirekta sa mga tao para mangampanya at ipaliwanag ang kanilang plataporma.
Mar 10, 2022
49 min

Ano ang implikasyon ng pagkaka award ng mga frequencies na dating hawak ng ABS-CBN na napunta ngayon sa mga kilalang kaalyado ng Pangulong Duterte gaya ni former Senate President Manny Villar at Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ba talaga ang plano ng gobyernong Duterte sa pagwasak nito sa ABS-CBN?
Ito ba yung sinasabi ni Duterte na pagwasak sa oligarchy pero nagtaguyod naman siya ng mga bagong oligarchy?
Ano ang implikasyon nito sa malayang pamamahayag dito sa ating bansa?Himayin natin ang malalim na isyung ito kasama si UP Journalism professor Danilo Arao.
Jan 29, 2022
41 min

Sa edisyong ito ng #ThePressRoom, kinapanayam natin ang mga taga-suporta ni VP Leni Robredo mula sa probinsya ng Davao upang alamin kung paano nila ikakampaniya ang kanilang kandidato sa kabila ng kasikatan ng Pamilya Duterte doon.
Jan 15, 2022
52 min

Bilang parte ng serye natin ng mga panayam sa mga nagnanais maging senador sa darating na halalan, kinapanayam natin si Teddy Baguilat upang alamin kung paano niya dadalhin sa senado ang boses ng mga katutubo.
Jan 12, 2022
43 min

Bilang parte ng ating serye sa mga kandidato sa pagka-senador sa 2022 election, ating kakapanayamin si Aksyon Demokratiko senatorial bet Samira Gutoc kung bakit siya ang karapat dapat nating ihalal sa susunod na halalan.
Jan 12, 2022
34 min
Load more
