
You can’t give what you don’t have. You can’t love if you’ve never been loved. You can’t forgive if you haven’t experienced forgiveness.
Naranasan ng buong mundo ang tunay na “greatest love of all” nang kusang ibinigay ng Panginoong Hesus ang kanyang buhay para sa atin at ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay nabigyan ng Diyos ng karapatang maging anak Niya.
Ang tanong ngayon ay ano ba ang ine-expect ng Diyos sa kanyang mga anak?
Magpasensiyahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. ~ Colosas 3:13
Apr 24, 2022
31 min

Last Friday ay inalala natin ang kusang-loob na pag-aalay ng Panginoon Hesus ng Kanyang buhay at ngayong Linggo naman ay ipinagdiriwang natin ang muling Niyang pagkabuhay.
Bakit kailangang mamatay ng Panginoong Hesus at bakit niya kailangang mabuhay ulit? Ano ba ang kahalagahan ng death and resurrection ng Panginoong Hesu-Kristo?
This episode answers this question and explains what the death and resurrection of Jesus Christ means for us.
Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Sinabi ito ng aking Ama sa akin. ~ Juan 10:18
Apr 17, 2022
32 min

Isang araw, more than 2000 years ago, sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, ay nagtagumpay ang sangkatauhan sa isang digmaang nagsimula pa noong ang tao'y unang magkasala. Ito ay isang digmaan laban sa kasalanan at kamatayan, a war against sin and death. Paano ito nangyari at ano ang ibig sabihin nito para sa atin?
Join us in learning more about Jesus Christ's triumphant victory that opened the path for our salvation.
Key Verse: O death, where is your victory? O death, where is your sting? ~ 1 Corinthians 15:55
Join our online community at onetruth.ph/facebook.
Apr 10, 2022
43 min

There is a saying that you can't give what you don't have. So kung lumaki tayong kakaunti lamang ang natanggap na pagmamahal ay kaunti lang din ang maibigay natin. Kung busog naman tayo sa pag-ibig ay marami rin naman tayong maibibigay.
The problem however is that man's love is limited.
Is there such a thing as Unli-Love?
Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niya'y walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman! ~ Salmo 100:5 ASND
Apr 3, 2022
40 min

Way back in 2015 ay naranasan kong mag-parasailing sa Boracay. I have to say that being up in the sky was the one of the most peaceful feelings I ever had in my life but it didn't start that way...
Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. ~ Juan 14:27
Mar 27, 2022
15 min

Madalas po na marinig natin ang katagang "light at the end of the tunnel" tuwing pinag-uusapan natin ang mga problema natin sa buhay and while this is true, what we often forget is that there is this other light na higit na makakatulong sa atin, na kasama natin sa mismong journey natin sa loob ng tunnel.
Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na ito'y ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao. Ang ilaw na ito'y nagliliwanag sa kadiliman, at hindi ito nadaig ng kadiliman. ~ Juan 1:4-5
Mar 20, 2022
14 min

Madalas nating marinig ang mga katagang "don't worry", "maaayos din yan", "kaya mo yan", "tiwala lang kay Lord" at iba pa. These are all encouraging words pero ang katotohanan ay mahirap maka-experience ng kapayapaan pag nasa gitna ng stress.
So how do we find peace in the midst of trouble?
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan n'yo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa n'yo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayo'y nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao. ~ Filipos 4:6-7
Mar 13, 2022
24 min

The struggle of humanity is that we try to finish too many things at the same time resulting in mediocre, incomplete and even failed outcomes. For Christians, it's quite common to want to be a good servant of the Lord but also have a wealthy earthly life.
Now, masama ba ang yumaman? Absolutely not!
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo. ~ Mateo 6:33 (ASND)
Mar 6, 2022
33 min
