Bye, Sci High! Podcast

Bye, Sci High!

Chito Arceo Jr. and Paula Dayrit
Graduates na yarn? Join Eme Lang Science High School alumni Chito and Paula in their journey to becoming certified college students as they open a new chapter in their lives. Mga kwentong sci high, kwentong panlipunan, kwentong trashtalkan, at kwento ng kabataan ... kumpletos rekados na sa podcast na ito! See you every Thursday only here on Spotify. Twitter: @chitoriffic and @pauladyrt (bardahin niyo kami). P.S. The views and opinions of the podcasters do not reflect those of the institutions mentioned. Sa amin lang po ito at remember, eme-eme lang!
Episode 4. Bye, CETS: College Admissions Season Na!
Congratulations! You have been accepted to — ops! Practice palang mga ka-eme. It's the most wonderful time of the year dahil nandito na ang pinakahihintay ng ating mga graduating high school students: ang College Admissions Season. Sumali ka na ba sa mga Facebook at Telegram groups? O baka naman naka-enroll ka na sa mga review centers? Hindi man kami experts, guinea pigs naman kami sa bagong sistema ng applications ngayon. Samahan niyo kami as we look back kung paano ba nagsimula ang college admissions journey namin at kung paano ba kami napadpad sa aming mga unibersidad ngayon. 
Sep 21, 2021
1 hr 28 min
Episode 3. Bye Areps?!: The Mang Tsaa Sessions Galore Pt. 1
Cha-ching! Kung nag-comeback ang ABBA pwes hindi papahuli ang aming Quarterly Mang Tsaa Session (Saka na lang yung real brand name pag sponsored na – EME!) with our partners in crime na ready na for mature roles. Tunay ngang Money, Money, Money must be funny in a rich man’s world bilang mga middle class in a sea full of altahan galore. Kasama sina Ms. Francine Nicole Tabuac at Mr. Vincent Nico Narciso aka ang tea spillers squad natin, alamin kung ano ang karanasan nila sa paghahawak ng pera noon at mga napagtanto nula sa kalagitnaan ng pandemya ngayon.
Sep 9, 2021
1 hr 10 min
Episode 2. Bye Censorship: Ang Boses ng Campus Journalists
"What doesn't kill you makes you stronger," ang sabi ng mama mo Kelly Clarkson. Gaano ito katotoo sa buhay ng isang estudyanteng mamamahayag? Ang ikalawang yugto ng podcast na ito ay lalabas sa apat na sulok ng Eme Lang Science High School dahil say it with me – hindi lamang sa loob ng eskwelahan umiikot ang buhay ng isang campus journalist. Kasama ang aming kaibigan at isang respetadong mamamahayag ng aming henerasyon Ate Allena Therese (silent J) Juguilon, alamin ang kahalagahan ng mga kabataan sa pagpuna ng mga isyung napapanahon.
Sep 2, 2021
1 hr 11 min
Episode 1. Bye, Stereotypes: Mga Haka-hakang Medyo True Naman?!
Hey Pilot, It’s time for take-off eme! Para sa first-ever episode ng “Bye, Sci High!” pag-uusapan agad-agad ang mga sabi-sabi at haka-hakang bumabalot sa mga Science High School – kung trula ba o shala ‘yan ang tanong! Ito lang ang kaisa-isang podcast na magbabatid ng paalam sa umpisa at pagbati sa katapusan. Sasahimpapawid every week with your fresh stewards from Eme Lang Science High School.
Aug 27, 2021
40 min