AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips.24-Filipino]Sistema ng pagtulong kung ikaw ay magkasakit dahil sa bakuna
3 minutes Posted Jun 27, 2021 at 11:02 am.
0:00
3:08
Download MP3
Show notes

Text by Osamu Saito,  Miduho Morita(2021/06/10)   Translation and Narration by Shierante

(Tungkol sa Sistema ng pagtulong para sa panganib sa kalusugan pagkatapos magpabakuna na Yobo Seshugo-Kenkou-Higai-Kyusai-Seido)

N1) Mayroong isang sistema kung saan babayaran ka ng gobyerno ng Hapon kung nagkasakit ka, may kapansanan, o namatay pagkatapos ng pagbabakuna para COVID-19.

Ito ay isang sistema na pinangalanang " Sistema ng pagtulong para sa panganib sa kalusugan pagkatapos magpabakuna”

(Yobouseshugo-Kenkou-Higai-Kyusai-Seido).

N2) Pagkatapos ng pagbabakuna, maaari kang makaramdam ng sakit. Ito ay tinatawag na iba pang epekto. Ito ay dahil ang immune system na nagpoprotekta sa iyo mula sa COVID-19 ay maaaring malikha sa iyong katawan. Ang ibang epekto ay maaari ring mangyari sa mga taong hindi hiyang o umiinom ng gamot. Karaniwan itong babalik sa loob ng ilang araw.

Gayunpaman, sa mga bihirang kaso, kahit nakalipas na ang ilang araw, maaaring pa rin magkasakit at ang mga masamang sintomas ay maaaring magpatuloy ng mahabang panahon. Maaari rin itong humantong sa mga seryosong karamdaman tulad ng neuropathy. Kung sa tingin mo ay may mali, kaagad na magpasuring medikal sa ospital.

N3) Kung gagamitin mo ang sistemang ito, makakakuha ka ng buo o bahagi lamang ng bayad sa pagkonsulta at bayad sa ospital na binayaran mo sa oras na iyon. Mangyaring kumunsulta sa munisipalidad kung saan ka nakarehistro.

N4) Kapag nagpasa  ka ng mga dokumento, susuriin ito ng isang dalubhasang doktor at makakatanggap ka ng pera kapag nakumpirma ang epekto ng bakuna.

Halimbawa, ibabalik ang mga gastos sa medisina na iyong nabayaran. Kung ikaw ay na-ospital, maaari kang makakuha ng isang rasyong medikal na 30,000 yen sa isang buwan. Kung mayroon kang kapansanan, makakatanggap ka ng 3 hanggang 5 milyong yen sa isang taon. Kung ikaw ay masasawi, makakatanggap ang iyong pamilya ng pera.

N5) Maaring tumagal ng ilang buwan ang pagsusuri sa mga dokumento na makakatulong sa iyo.

Huwag itapon ang "ticket sa pagbabakuna" na iyong matatanggap mula sa munisipalidad sa pamamagitan ng koreo, ang "sertipiko ng pagbabakuna" na matatanggap mo pagkatapos ng pagbabakuna, at ang mga dokumento na matatanggap mo sa ospital.


[reference]

予防接種健康被害救済制度について  厚労省

https://www.mhlw.go.jp/bunya/kenkou/kekkaku-kansenshou20/kenkouhigai_kyusai/

自治体からの発信例 広島県

https://www.city.hiroshima.lg.jp/site/korona/221491.html

新潟県新型コロナワクチン医療健康相談センター

https://www.youtube.com/watch?v=MZlneslQZP0&t=354s