Text by Miduho Morita(2021/04/17) Translation and Narration by Veven Cristobal
Simula kalagitnaan ng Abril 2021, tinamaan ang Japan ng ika apat na daluyong ng Corona virus. Ang bilang ng mga bagong pasyente ay lubhang tumaas ng mas mabilis kaysa noon.
Ang Osaka Prefecture ang isa sa may pinaka mataas na bilang sa buong Japan na may mga bagong kaso ng virus. Higit isang libong taong nahawaan ang naitatala araw araw simula kalagitnaan ng buwan ng Abril. Lumabas sa bagong ulat na walumpung porsyento ng mga sinuri ay nahawaan ng bagong strain ng virus sa tatlong magkakasunod na araw.
Ayon sa mga medical staff
Ang mga nahawaan sa pang apat na daluyong ay nanatili sa ospital mula tatlo hanggang apat na araw na mas matagal kaysa sa mga dating nahawaan.
Hindi na lamang mga matatanda, bagkus pati mga bata o mga taong walang malalang sakit o dati nang mayroong masamang kondisyon ay maaaring magkaroon ng malalang sintomas.
Sa isang ospital sa Osaka, higit kalahati ng mga pasyente na may malalang sintomas at ang mga taong naka artipisyal na bentilasyon ay sinasabing may edad limampu at pababa.
Ang mga bilang ng mga pasyente na mayroong bagong uri ng virus ay sinasabing mas mataas kaysa sa noo'y orihinal na virus. Habang mataas ang bilang sa Osaka, ang ibang rehiyon ng Japan ay apektado din.
Katulad ng ibang mga virus, ang corona virus ay patuloy na nagbabago at dumadaan sa mutasyon, kaya't inaasahan ang pagsulpot ng mga panibagong baryant sa paglipas ng panahon. Ito ay mula sa resulta ng mga pananaliksik na ginawa sa mga bansa sa Europa at Amerika. Ang kaso ng British virus baryant ay tumataas sa Japan kasabay ng mga panibagong strains na ngayon ay laganap sa buong mundo. Ang British baryant ay sinasabing mas nakakahawa ng 1.4 hanggang 1.9 na beses kaysa sa orihinal na virus.
[reference]
関西テレビ 変異ウイルスで若い世代の重症化急増 最前線の医師「想定以上の速さで重症化」「最悪の事態を超えている」(2021/04/15)
https://news.yahoo.co.jp/articles/0c7a39b5fda718c09b85c8630f166d1a29c0b427
NHK “第4波はまるで違う”大阪の記者が感じる医師の危機感
(2021/04/15)
WHO(World health Organization)
" Weekly epidemiological update on COVID-19 - 13 April 2021"
https://www.who.int/publications/m/item/weekly-epidemiological-update-on-covid-19---13-april-2021

