AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
【Tips21 Filipino】 Mga Kakaibang Epekto ng Bakuna sa COVID-19
3 minutes Posted Mar 31, 2021 at 8:52 am.
0:00
3:01
Download MP3
Show notes

Text by Takeshi Nemoto(2021/03/23)       Translation and Narration by Veven Cristobal

N1)Ang pagabakuna laban sa Covid 19 ay kasalukuyang nagaganap sa Japan. Sa ibang mga mga kaso, may iba't-ibang epekto, na kung tawagin sa wikang Japanese ay "fuku-hannoh" na pwedeng lumabas pagkatapos mabakunahan.

N2)Ang mga posibleng epekto ng bakuna kontra Covid na Pfizer-BioNtech, na ngayon ay ginagamit sa Japan, ay pananakit ng braso kung saan nabakunahan, panghihina, pagkahilo, pananakit ng mga kasu-kasuan, panlalamig, pagtatae at lagnat. Karamihan sa mga sintomas na ito ay nawawala ilang araw pagkatapos mabakunahan. Maaaring bumisita sa inyong doktor kung ang lagnat ay magpatuloy ng lagpas dalawang araw, kung ang sintomas ay malala, o kung may iba pang sintomas na lumabas.

N3)Sa mga bihirang kaso, matinding alerhiya na kung tawagin ay anaphylaxis ay maaring mangyari. Sa Amerika, ang bakunang gawa ng Pzifer-BioNtech ay nagdulot ng anaphylaxis sa isa sa bawat dalawang daang libong dosis. Sa Japan, ang bawat lugar ay inaasahang mabilis na maagapan ang anaphylaxis kung ito ay mangyayari. Kung magkakaron ito ng kahit anong negatibong epekto sa iyong katawan, sasagutin ng lokal na munisipalidad ang iyong mga gastusin sa hospital.

N4) Ang katawan ng tao ay mayroong mekanismo na bumubuo ng panlaban kung sakaling ikaw ay mahahawaan ng virus o bakteriya. Ito ay para maprotektahan ang sarili laban sa parehong virus o bakteriya. Ang prosesong ito ay tinatawag na "pagiging immune"

N5) Ang pagbabakuna ay gumagamit ng mekanismo na bumubuo ng panlaban sa pamamagitan ng paggawa ng parehong sitwasyon na katulad ng sa nahawaan ng virus o bakteriya. Ang mga bakuna ay maingat na dinisenyo para mabawasan ang masamang epekto sa katawan. Subalit, may mga epekto na hindi maiiwasan katulad ng sa tunay na sintomas ng impeksyon. Ang bakuna ay ginagamit batay sa pananaw na ang magandang dulot ng pagbuo ng panlaban sa loob ng katawan ay mas mahalaga kaysa sa masamang dulot ng mga epekto nito.

Source:

厚生労働省

「新型コロナワクチンについてのQ&A 安全性と副反応」

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_00222.html#009