AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
【Tips-20 Filipino】Mga pangmatangalang epekto ng Covid-19
2 minutes Posted Mar 21, 2021 at 12:46 am.
0:00
2:48
Download MP3
Show notes

Text by Osamu Saito, Miduho Morita  (2021/03/10)     Translation and Narration by Vanny Chrispino(2021/03/20)


(N1) Karamihan sa mga nagkasakit ng Covid-19 ay nakararanas ng pangmatagalang epekto.

(N2) Sa bansang Hapon, nagsagawa ng pananaliksik ang National Center for Global Health and Medicine (NCGM) kaugnay ng mga sintomas matapos magkasakit ng Covid-19. Ayon sa pag-aaral, pitumput anim ng porsyento sa animnapu't tatlong katao na nakalabas na ng mga ospital ang nakararanas ng mga sintomas. Karaniwan sa mga sintomas na ito ay ang pag-ubo, hirap sa paghinga, mabigat ng pakiramdam, kawalan ng panlasa at pang-amoy at pagkalagas ng buhok.

Bukod pa rito, apatnaput walong porsyento ng mga pasyenteng ang nagkasintomas makalipas ang dalawang buwan simula ng unang maramdaman ang mga sintomas. Samantala, dalawampu't pitong porsyento ang nakararanas parin ng mga sintomas makalipas ang apat na buwan

(N3) Ayon sa isang pag-aaral sa bansang Italya kung saan ay kinuhaan ng datos ang isang daan at apatnapu't tatlong mga pasyente, walongpu't pitong porsyento sa kanila ang nakararanas parin ng mga sintomas dalawang buwan mula nang una nila itong maramdaman.Karaniwan sa kanilang mga sintomas ay pagkapagod at hirap sa paghinga. Ang nasabing mga sintomas ay maaaring may kinalaman sa Covid-19. Ang iba pang naiulat na pangmatalagang sintomas ng Covid-19 ay ang mga sumusunod; pananakit ng dibdib at kasukasuan, ubo, kawalang ng ganang kumain, pagkahilo, pananakit ng kalamnan, pamamaga ng lalamunan, at pagtatae.

(N4) Gayunpaman, hindi magtugma kung ito ay may kinalaman sa tindi ng mga sintomas at pagkakaroon ng pangmatagalang epekto sa taong nagkasakit. Ang ibang pasyente ay maaari ring makaranas ng kawalan ng memorya.

(N5) Hindi parin matukoy ang dahilan ng nasabing mga sintomas. Ang iba sa nakaranas ng pangmatagalang sintomas ay hindi makapagtrabaho ng maayos at nahihirapan sa mga pang araw-araw na mga gawain.

Dahil dito, may mga ospital at klinika ang nag-aalok ng pagbibigay payo sa mga nakararanas ng pangmatagalang sintomas ng nasabing karamdaman. Ayon pa sa mga eksperto, mahalaga na iwasan ang sobrang pag-eehersisyo at huwag abusuhin ang katawan.

Kung ikaw ay kasalukuyang positibo, pangalagaang mabuti ang sarili. Kung ikaw naman ay may mga malapit na kamag-anak o kaibigan na nagpositibo sa nasabing karamdaman, mahalagang magbigay ng sapat na pang-unawa at konsiderasyon.


Source:

●厚生労働省 新型コロナウイルス感染症COVID-19診療の手引き 第4.1版 

 https://www.mhlw.go.jp/content/000712473.pdf

●新型コロナ後遺症 軽症・無症状こそ要注意 医師警鐘

https://www.sankei.com/life/news/210221/lif2102210031-n2.html