Text by text by Takeshi Nemoto, Miduho Morita(2021/01/26) Translation and Narration Veven Cristbal(2021/01/29)
Ang pagbabakuna kontra Covid-19 (novel coronavirus) ay nagsimula na sa maraming bansa at lugar. Ang bansang Japan ay nagpaplano na tumanggap ng mga bakuna mula sa maraming parmasyutikong kumpanya. Ang gobyerno ng Japan ay bibili ng mga bakuna at ang lahat ng residente maging ang mga dayuhang residente ay mabibigyan ng libre. Ang bawat tao ay kadalasang dapat makakuha ng dalawang turok ng bakuna at maghahanda ang bansang Japan ng bakuna para sa isang daan at limamput pitong milyong tao.
Ang pagbabakuna ay magsisimula sa mga huling araw ng Pebrero. Ang lahat ng bakuna ay hindi sabay sabay na darating kundi paunti unti lamang. Dahil dito, ang hanay ng prayoridad ay itinakda ng ganito:
1. Mga manggagawang medikal
2. Matatanda na lagpas animnaput limang taon ang edad
3. Mga taong may dati nang malubhang kalagayan at mga mangagawa sa nursing home
4. Iba pang mga tao
Ikaw ay mababakunahan sa munisipalidad kung saan nakatala ang iyong pagiging residente. Ipapadala ng munisipalidad ang tiket para sa bakuna sa pamamagitan ng meyl o koreo bago ka mabakunahan. Kung ikaw ay may espesyal na kalagayan, maaari kang bakunahan sa ibang munisipalidad.
Ang ibang bakuna laban sa Covid-19 ay gawa ng mga panibagong pamamaraan. Kaya naman, ang negatibong resulta ng bakuna sa iyong katawan o ang epektibo nito ay hindi pa lubusang alam. May posibilidad na makitaan ng pangalawang epekto pagkatapos mabakunahan ang maraming tao.
Ang pagbabakunang ito ay hindi sapilitan. Maaari kang mag desisyon kung kukunin mo ito o hindi. Mangyaring suriin ang impormasyon tungkol sa bakuna sa Japan at sa ibang bansa at siguraduhing ikaw ay masisiyahan sa resulta bago magpabakuna.
Source:
日本感染症学会
「COVID-19ワクチンに関する提言」
https://www.kansensho.or.jp/modules/guidelines/index.php?content_id=43
朝日新聞
「コロナ対応「後手」で暗雲 菅政権が期待する切り札」
https://digital.asahi.com/articles/ASP1L5KPJP1LUTFK00S.html?iref=pc_ss_date_article
全国民に行き渡る数量のワクチンを確保できるのは早くて6月と見込まれる。
厚生労働省
「新型コロナワクチンについてのQ&A」
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_00222.html
読売新聞
「コロナワクチン、国民全員に無料接種へ…健康被害の救済制度も整備」
https://www.yomiuri.co.jp/medical/20201002-OYT1T50134/
接種の対象は、国内に住む外国人も含まれる
厚生労働省
「海外で開発されたワクチンの確保に関する取組」
https://www.mhlw.go.jp/content/10900000/000723994.pdf
日本とファイザーが1月20日に正式契約し、ワクチン供給は6000万人分から7200万人分に増

