AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips.16-Tagalog]Lagay ng Transportasyon sa Ilalim ng Estado ng Emerhensiya sa Japan
3 minutes Posted Jan 20, 2021 at 6:41 pm.
0:00
3:11
Download MP3
Show notes

Text by M.Morita Translation by Veven Cristobal Narration by Veven Cristobal


●Ang estado ng emerhensiya ay idineklera sa labing isang lugar sa Japan. Magkakaroon ng maraming pagbabago sa iskedyul ng transportasyon sa ilang lugar. Gusto naming ipabatid ang mga pagbabagong ito.

Sa gitna ng estado ng emerhensiya, ang talaorasan ng transportasyon ay maaaring iba sa impormasyon sa internet o sa kadalasang iskedyul ng tren. Alamin ang mga pagbabagong ito lalo na't kung kayo ay may balak na lumabas o sumakay ng mga tren.

●Tungkol sa Shinkansen, Tren na Limited Ekspres at mga paliparan

Ang  bilang ng mga pasahero ng Tokaido Shinkansen ay ibinaba ng sampung porsyento sa buong araw.

Babawasan din ang bilang ng pasahero ng Narita Express papuntang Paliparan ng Narita, Limited Express Haruka papuntang pang internasyonal na paliparan ng Kansai  at iba pang limited ekspres na tumatakbo sa iba pang mga lugar.

Ang mga espesyal na tren para sa mga turista ay babawasan o ikakansela. Ang bilang ng mga eroplano ay babawasan din.

●Lugar sa Tokyo Metropolitan: Tungkol sa Tokyo, Kanagawa, Saitama, Chiba at Tochigi

Simula ika-dalawampu ng Enero, ang huling tren ng araw ay tatakbo ng maaga.

Depende sa mga linya, ang ibang tren ay tatakbo ng sampu hanggang tatlumpung minutong mas maaga kaysa dati.

Halimbawa, ang huling tren ay tatakbo ng mas maaga sa 11 JR East lines, kasama ng Yamanote line, Keihin Tohoku line, Chuo line, at Sobu line.

Binago din ng subway ang oras ng huling tren. Bilang karagdagan, maraming tren ang nagbago ng kanilang iskedyul.

●Lugar sa Kansai:Tungkol sa Osaka, Kyoto at Hyogo

Ang bilang ng mga tren ay babawasan.

Halimbawa, ang bilang ng mga subway sa Osaka ay babawasan sa gitna ng oras ng gabi.

Sa ibang lugar, ang bilang ng tren ay maaari ding bawasan o ang iskedyul ay maaaring baguhin. Ang pagbabago sa iskedyul ng mga bus ay hindi pa sigurado.


Source:

ジョルダン 主な運休等概要・乗換案内の対応状況

https://www.jorudan.co.jp/info/covid19/

関西の鉄道でも緊急事態宣言に対応へ…土休日の近鉄吉野特急は6割弱が運休に

https://response.jp/article/2021/01/14/342125.html

NHK生活情報特設サイト 新型コロナ緊急事態宣言

(下の方に首都圏鉄道各社の鉄道情報リンク)

https://www.nhk.or.jp/shutoken/coronavirus/