AudiTip Nippon
AudiTip Nippon
Team D.I.
[Tips 14 - Tagalog]Ang Bagong Varyant ng Novel Coronavirus
1 minutes Posted Dec 30, 2020 at 2:55 pm.
0:00
1:38
Download MP3
Show notes

Text by Miduho Morita (2020/12/26)   Translation and Narration by Veven Cristobal (2020/12/30)


Ang mutasyon ay pangkaraniwan sa mga bayrus, at ang novel coronavirus ay kabilang dito. Ang mga tao na nahawaan ng panibagong varyant o klase ng coronavirus ay namataan na sa bansang Japan. Sa wikang Hapon, ang bagong varyant ay tinawag na “新型コロナウイルスの変異種 (しんがたコロナウイルスのへんいしゅ・Shingata-korona-uirusu no hen-i-shu)” or “変異ウイルス (へんいウイルス・Hen-i Uirusu).”

Sampung bansa at rehiyon na ang nakitaan ng novel coronavirus. Ilan sa mga ito ay mga bansa sa Europa katulad ng UK at Denmark. Nakitaan din ng mga bagong kaso sa South Africa, Nigeria, Australia at Hongkong.

Maraming tao sa buong mundo ang nababahala sa bagong varyant ng novel coronavirus dahil ito ay labis na nakakahawa. Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring patunay kung ito ba ay lubhang nakamamatay.

Sa bansang Japan, nakita sa Haneda Airport at Kansai International Airport ang ilan sa mga taong nagkaroon ng bagong varyant ng bayrus. Bukod sa mga lugar paliparan, isang piloto at ang kanyang buong pamilya na galing sa bansang UK ang nagpositibo rin sa bayrus.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga taong nahawaan ng bayrus ay kakaunti pa lamang ngunit hindi malayong lumaki ang bilang na ito sa mga susunod na araw.


Source:

毎日新聞

「変異ウイルス フランスやレバノンでも確認 10カ国超、世界各地で警戒」2020.12.26

https://news.yahoo.co.jp/articles/f2cd7a428494ad2109d8cb47128f8ce0511ad754

日テレNEWS24

「感染力高い“変異種” 空港検疫以外で初」2020.12.26

https://news.yahoo.co.jp/articles/355fcbe5963d08bc4e5237bf2be70468627d7fac

Reuter: Japan bans new entries of foreigners after virus variant arrives  2020.12.26

https://jp.reuters.com/article/us-health-coronavirus-japan/japan-bans-new-entries-of-foreigners-after-virus-variant-arrives-idUSKBN290050

NHK World:  Japan confirms 2 new coronavirus variant cases  2020.12.26

https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/news/20201226_19/