Anong Kwenta Natin?
Anong Kwenta Natin?
Anong Kwenta Natin
Tabing Inuman peeps tryna make sense of the world and finding their value in it. Wow english! Ano bang formula ni Marx sa value? Basta chika at inom tungkol sa pelikula, kanta, at iba pang bagay tungkol sa pop culture. Nagkekwentuhan tuwing naka-inom at may amats kaya wag umasang may format. Labyu
Episode 14: Tumatakbong Sabog
Kakatapos lang ng filing ng candidacy ng mga aspirants. Siyempre andyan ang mga tunay na may malasakit sa bayan, mga placeholder, at mga lantarang gustong manatili sa kapangyarihan. Di lang naman diyan yung chika namin, pero yan na pinaka-sensible. Tsaka paano lumahok sa politika ang mas maraming mamamayan, hindi lang sa pagboto! It's the comeback of the century mga bagets--until dumating si Adele--kaya tara na, byahe tayo!
Oct 11, 2021
1 hr 58 min
Episode 13: Anong Balita Natin? The Post-Valentine's Day Special
Sa episode na 'to, tuturuan namin kayo kung anong magandang iregalong hayop tuwing Valentine's, paano sumakay nang maayos sa motorsiklo at tricycle, at kung bakit may ilang mga taong piniling huwag nang kumain ng tilapia. Sana ang puso niyo ay punong-puno ng pagmamahal para sa kapwa at sa bayan. Ayieeeeee~
Feb 21, 2021
2 hr 3 min
Episode 12: Anong Balita Natin?
Namiss niyo ba kami? Kami rin, we missed ourselves! Heto ang mga panis nang balita pero never mae-expire na balitaktakan. PS. Walang hayop ang nasaktan o sinaktan sa recording ng podcast na ito. 
Jan 26, 2021
2 hr 8 min
Episode 11: What are Rebellions and Revolutions Nga Ba?
Season 2 mga tr0pa!!! Ano bang pwedeng isabay sa mabibigat pang timbang natin kundi mabigat ding topic? Menu for today ay hamon, little acts of rebellion, at money heist. Sana mabusog kayo~
Jan 8, 2021
2 hr 2 min
Episode 10: Returning Home
Bakit nga ba tayo bumabalik? Kung mabigat pa ang tiyan niyo this new year, don't worry, pabibigatin din namin ang loob niyo sa topic. Season finale na mga beh!
Jan 1, 2021
2 hr 6 min
Episode 09: Leaving Home
Road to Season Finale mga brodie! Mahaba-haba ang episode tungkol sa pag-alis sa mga tinuring nating tahanan at mga dahilan natin sa pag-alis. Trigger warning para sa diskusyon dahil mapapasadahan din ang pag-handle sa trauma at iba pang sensitibong topic na kaugnay at kadikit nito. Alam namin kung gaano ka-stressful ang mga nakaraang araw kaya sana ay magsilbing isang malaking yakap sa inyo.  HUGGSSSSS >.<
Dec 22, 2020
2 hr 26 min
Episode 08: The Family That Drinks Together, Stays Together
Pinag-usapan nila George, Anne, at Badong ang vitamins, si Jimmy Neutron, at ang kakalabas na ad ng RC Cola. Mas mahaba sana ang episode kung hindi lang misplaced ang ilang parts ng chikahan. Babawi kami next time <3
Dec 11, 2020
58 min
Episode 07: Disaster Is Where The Heart Is!
Ito ang katuloy ng unang balitaktakan tungkol sa Disaster. Naisingit sa usapan ang aliens, si Godzilla, ang superheroes, at gender. Enjoooy~
Dec 8, 2020
43 min
Episode 06: This Podcast is a Disaster!
After two coherent episodes, balik tayo sa branding--chaotic, walang theme at structure, puro ebas lang. Maraming kailangang putulin (para sa protektsyon ng mga podcasters dahil alam niyo naman na andaming mahaderang pangit ngayon) at nagkaron din ng ilan pang technical difficulties. Nawala pa si Eds at Fonzy kalagitnaan. Mahaba-haba rin bago kami umabot sa actual na topic kaya nga siguro disaster ang episide na to. Regardless, masaya kaming pinakinggan niyo pa rin ang latest episode. Hayaan niyo, mas coherent na kami sa susunod. Abangan ang conclusion ng episode sa Tuesday! Sana masarap ulam niyo this weekend hart hart
Dec 4, 2020
1 hr 9 min
Anong Kwenta Natin?
Ito, can you hear us na? Malinaw? Okay good. Official trailer ng "Anong Kwenta Natin?" podcast!
Nov 26, 2020
1 min
Load more