
Mga kuwento ng pag-ibig. Mga kuwento ng pakikibaka. Mga kuwento ng buhay.
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa iyong propesyon at pinaniniwalaang ibang porma ng pag-ibig? Gaano kahirap abutin ang pangarap na
magsilbi hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa bayan? Ano ba ang kaya mong gawin at bitbitin para lamang masabi mong nagampanan mo nang marangal ang iyong tungkulin bilang mamamayang umiiral sa ating lipunan?
Sa episode na ito ay makakasalubong mo ang ibang porma ng pakikibaka na magpapaalala sa'yo na hindi dapat ikanalulungkot ang buhay na inilaan sa paglaban – ito ang buhay na dapat pinagpupunyagian at ipinagpapatuloy kasama ng iba.
Apr 8, 2023
15 min

Narito na ang ikatlo at huling episode ng Kwentuhan sa Dalampasigan: Katotohanan Nga Ba? Nabunyag na ang dapat ibunyag. Ikaw, kaninong bersyon ka ng katotohanan naniniwala?
Apr 6, 2023
21 min

Sa kauna-unahang pagkakataon, inihahandog ng ALPodcast, ang orihinal na awiting pinamagatang "Kulang na Silya". Matagpuan nawa ng bawat isa ang kulang sa sarili.
Sa liriko ni Issabel Miraflor
Sa tinig ni Sofia Loureen Magayam
Sa melodiya ni Dan Kinneth Torres
Sa instrumento ni Carlo Enrile
Sa direksyon ni Alma Mae Becong
Maligayang pakikinig!
Mar 19, 2023
4 min

Heto na! Inihahandog ng ALPAS, Kwentuhan sa Dalampasigan, ang pinakahinihintay na ikalawang episode ng Katotohanan Nga Ba? Samahan si Amanda na tuklasin ang nakapangingilabot na lihim ng villa!
Jan 16, 2023
15 min

Ang bagong segment ng ALPodcast, ang Kwentuhan sa Dalampasigan! Pakinggan sa unang episode ng Katotohanan Nga Ba? kung paano magsisimula ang kababalaghan sa buhay ni Amanda. Ano kaya ang dahilan ng kaniyang mga nakita at narinig?
Dec 15, 2022
14 min

Ngayong makulay na buwan ng Hunyo, kaisa ang ALPAS sa pagdiriwang ng Pride Month! Kaya naman, mayroon kaming inihandang chika at mga istorya na tiyak na magpapaikot sa inyong mga emosyon!
Jun 30, 2022
58 min

Samahan si Atob, Lola Parola at ang kaniyang mga kaibigan na sina Alimango, Barakuda, Dolphin, at Seahorse na sumuong sa mundo ng panitikan at buksan ang iba't ibang makukulay na karanasan!
May 1, 2022
26 min

Sinuyod at ginalugad namin ang sulok-sulok at mga pagitan sa ilang mahalagang usapin sa Netflix Animation Series na "Trese" (2021) bilang lunsaran ng talakayan sa ugnayan ng hiwaga ng mitolohiyang Filipino at politika bilang tugon sa umiingay na diskursong nakakabit dito.
Jun 19, 2021
1 hr 26 min

Ang kauna-unahang episode na may temang, "Kasarinlan at Kasarian" bilang tugon at pagbubunyi sa Pride Month at Araw ng Kalayaan sa Pilipinas ay pumapaksa sa mga akda ng mga manunulat sa Panitikang Filipino: "Katalo" (1994) ni Tony Perez, "Pamamanhikan" (2013) ni Bernadette Neri, at "Attack of the 50 Foot Transwoman" (2021) ni Paul Cyrian Baltazar.
Jun 12, 2021
1 hr 22 min
