
Naka experience ka na ba ng pang-aabuso galing sa iyong asawa? Ano nga ba ang dapat gawin kapag nakaranas ng pang-aabuso? Gaano katotoo ang kasabihang happy wife, happy life? 'Yan at iba pang mga katanungan tungkol sa away ng mag-asawa ang hindi namin masasagot sa episode na ito.
Apr 23, 2022
53 min

Dahil Semana Santa na, samahan ninyo kami magnilay-nilay tungkol sa mga bagay na nangyari noong unang panahon na mahirap ipaliwanag pero madami pa rin ang patuloy na naniniwala, ang mga aliens.
Apr 16, 2022
41 min

After 3 months, nakapagrecord na ulit kami at pinagusapan namin dito kung bakit matagal kami nawala, anong nangyari at kung buhay pa ba kami. Pinagusapan na rin namin dito ang mga pangarap namin para lang may title kami sa episode na 'to. Welcome back mga ka 2 bottles!
Apr 9, 2022
54 min

Dahil nagsasawa na kaming kausapin ang isa't-isa, gagawin na lang namin na 40 minutes ang bawat episode at uumpisahan namin ito sa season 2 episode 4 kung saan pinagusapan namin ang censorship ng social media sa generation ni Rico at censorship sa mainstream media sa generation ni Richard.
Jan 13, 2022
41 min

New year, new guest. Pinagusapan namin sa episode na ito ang naging experience ng top 5 sa kakatapos lang na LaughLaban at ang up and coming stand-up comedian na si Francis "Gabs" Belen. Sinubukan din namin ang aming bagong segment sa episode na ito.
Jan 6, 2022
1 hr 3 min

New Year's episode na kaya pinagusapan namin ang nagdaang taon ng 2021 at kung ano ang mga gusto namin mangyari sa taong 2022 at syempre, hindi mawawala ang New Year's Resolutions namin sa isa't-isa. Next episode namin, balik na kami sa Thursday at Sunday upload. Happy New Year everyone.
Jan 1, 2022
1 hr 8 min

Syempre, December 25 ang episode na 'to kaya pinagusapan namin ang Pasko. Ito na rin ang magiging umpisa ng aming 2nd season dahil episode 51 na dapat ito at masarap pakinggan na ang season 1 finale namin ay guest namin si GB Labrador. Merry Christmas sa lahat at sana ay ligtas kayo ngayong kapaskuhan.
Dec 25, 2021
1 hr 1 min

Dahil 50th episode na namin, meron kaming inimbitahan na special guest. Isang stand-up comedian, writer, actor, basketball player at isang ama, isang career na lang, kapantay na nya si johnny sins, walang iba kundi si Sir GB Labrador.
Dec 9, 2021
1 hr 5 min

Anim na babae, sabay-sabay na jinowa at pinerahan umano ng iisang lalaki. Ito ang pinagusapan namin sa episode 49. Ano nga ba ang mga tips paano makakapambabae at ano ang mga signs na nambababae ang boyfriend/husband mo? Pinagusapan din namin ang aming special guest para sa episode 50 ng 2 bottles.
Dec 5, 2021
1 hr 3 min

May nanalo na ng 378 million pesos sa lotto kaya pinagusapan namin ito kasama na rin ang nauusong NFT sa mundo ng digital art. At kahit hindi kami mga expert pagdating sa pelikula, sinubukan namin gumawa ng film review ng pinaka inaabangan na short film ng taon, ang Mighty Robo V.
Nov 28, 2021
1 hr 7 min
Load more
