Show notes
Kung may extra kang pera at matagal pa bago mo eto gagamitin, usually hindi magandang ilagay lang eto sa bangko dahil maliit lang ang interest nito kumpara sa inflation na nangyayari taon taon. In short, lumiliit ang value ng perang iyong nilalagay sa bangko. Isang magandang paraan para di bumaba ang value neto ay ang pag-invest sa stock market. May risk ang stock market pero kung pag-aaralan nating mabuti eto, malaki rin ang chance na lumago ang iyong pera.
Sa episode, ishashare ko kung paaano ako namili ng stocks at kung bakit ko napili eto. Sinubukan din nating mamili ng stock at titingnan natin kung ano ang mangyayari after 6 months. Lalago kaya ang pera ko o malulugi?

