Share Ko Lang
Share Ko Lang
GMA Integrated News
The Myth of the Big Break with Dolly de Leon
25 minutes Posted Aug 18, 2023 at 11:00 am.
0:00
25:26
Download MP3
Show notes

"Nakarami na po ako na mga projects na iniisip ko baka ito na ‘yung big break pero hindi naman po nangyari. Ang inisip ko trabaho ulit ‘yan. Hindi ko talaga ine-expect."


Sa tagal niya sa industriya, hindi raw akalain ng batikang artista na si Dolly de Leon na mabibigyan pa siya ng big break sa kanyang pag-arte. Ito ay matapos maging kauna-unahang Pilipino na maging nominado sa pretiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Triangle of Sadness. 


Sa kanyang tinatamasang kasikatan sa ibang bansa, iiwan niya nga ba ang kanyang nasimulang karera sa Pilipinas? 'Yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.