Show notes
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag ang katotohanang hindi niya inaasahan.



