
NCN Editorial - Isang taon na, parehong panawagan: Ibalik ang ABS-CBN
Isang taon na ang lumipas mula nang pinatay ang signal mula sa Mother Ignacia. Isang taon na mula nang 70 kongresista ang nag-ukit ng kanilang mga pangalan sa kasaysayan bilang mga kasangkapan sa pag-atake at pagkitil sa kalayaan sa pamamahayag. Isang taon na mula nang matupad ang kagustuhan ng naghahari-harian sa Malakanyang na patahimikin ang network na itinuturing niya bilang mortal na kaaway.
Gayunpaman, isang taon na rin, pero lalo pa ring umiigting ang panawagan ng iba't ibang sektor na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN upang muli itong makapaglingkod sa mga mamamayan.
Nakiki-isa ang NCN sa panawagang ito. Titindig ang himpilang ito para sa malayang pamamahayag. #IbalikAngABSCBN!
--
Pakinggan 24/7 ang NCN sa Zeno Radio!
This podcast uses Anchor (from Spotify) for stats, tracking, and dynamic audio. What this means Episodes play from the podcast's own servers, unmodified. Not affiliated with Podbay.
