Show notes
“v2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok, v3 sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan. V4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang. V5 Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat. V6 Subalit ang hunihingi’y dapat manalig at huwag mag-aalinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. V7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong v8 pabagu-bago ang isip at hindi alam kung ano ang talagang ibig.” Santiago



