Translated and narrated by Vanny Crispino Text by Takeshi Nemoto(2021/06/30)
N1) Ang mga korporasyon, maliit at katamtamang laking negosyo, pati narin mga unibersidad ay nagsimulang mag-organisa ng pagbabakuna. Layunin nito na mabukanahan sa lalong madaling panahon ang mga nasa hustong gulang.
N2) Ang pagbabakuna ay libre. Ang mga mangggawa at estudyante na manggagaling sa ibang bansa ay maaring magpabakuna sa kanilang pinagtatrabahuhan. Nasa desisyon naman ng may labinwalong gulang pataas kung sila ay magpapabakuna.
N3) Ang bakuna ng Moderna ang karaniwang tinuturok sa mga nagpapabakuna. Ang pagiging epektibo nito ay halos kaparehas nang sa Pfizer. Parehong ginawa ng mga kumpanya ng gamot sa Estados Unidos ang Pfizer at Moderna. Dalawang beses itinuturok ang nasabing mga bakuna na may pagitan na apat na linggo.
N4) Inaasahan naman ang pagbabalik normal ng mga negosyo at pagbabalik ng harapang klase sa mga unibersidad. Inaasahan din na lahat ng prefectures ay makakaiwas sa panganib na dulot ng mga pagtitipon. Kaya naman maraming organisasyon, grupo at unibersidad ang nagpaplanong magdaos ng mga pagbabakuna.
N5) Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang pagbabakuna batay sa produksyon at suplay nito sa bawat distrito. Kung nagkakaroon man ng kakulangan sa suplay ay pansamantala itong itinitigil. Ito rin ay opsyonal. Ibig sabihin, maaring hindi magpabakuna kung ito ang iyong nais.

