Text by Miduho Morita (2021/02/15) Translation and Narration by Vanny Crispino (2021/02/16)
●Dahil sa naganap na lindol, ang Tohoku Shinkansen ay hindi magagamit sa ngayon. May mga daan din na pansamantalang nakasara.
●Inaabisuhan ng Japan Meteorolgical Agency ang lahat na maging alerto sa posibleng pagyanig na tinatayang nasa seismic intensity 6+ sa loob ng isang linggo. Simula Ika-13 ng Pebrero ay inaasahan ang ilang mahihina malalakas na mga pagyanig.
●Ang seismic intensity ang sukatan ng lakas ng naramdamang lindol sa isang lugar. Mayroon itong sampung antas mula 0 hanggang Ika-7 at ang ika -5 at ika-6 ay may negatibo at positibong tanda. Nasa seismic intensity 6+ ang naramdaman sa Fukushima at Miyagi prefecture.
●Maari po sana na panatilihin nakatabi sa inyong pagtulog ang inyong mga flashlight at smartphone. Gayun din ang inyong mga tsinelas at sapatos upang madaling kayong makalabas. Ingatan din ang mga sarili na hindi mahulugan ng mga mabibigat ng bagay.
●Maaring ang mga bagay at kagamitan sa bahay ay hindi maging matatag. Maari kang masugatan kung iyong maapakan ang mga nabasag na bubog at pinggan kaya mag-ingat at panatilihing nakasuot ang mga tsinelas sa inyong mga kuwarto.
●Maaari ring magkaroon ng mga pagguho ng lupa kung magkaroon ng mga pag-ulan matapos ang mga pagyanig.
●Sa mga hindi maaaring manatili sa kanilang mga tahanan, mayroong mga nakahandang evacuation centers na sumusunod sa mga panuntuhan sa paglaban sa Covid-19. Huwag kalimutan na kumustahin ang inyong mga kaibigan at kakilala upang masiguro na sila ay ligtas.

