Show notes
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, September 18, 2026.
- Aabot sa 1,200kg mishandled meat, kinumpiska sa palengke sa Maynila
- Labi ng babaeng isinilid sa refrigerator, ipina-DNA test ng nagpakilalang kaanak
- Pagsara ng pipeline sa Saudi Arabia na inatake ng drone, isang dahilan ng oil price hike
- Pagbabawal sa Facebook, posibleng isulong sa Kamara kung 'di matugunan ang masamang content, scamming at iba pang reklamo
- Bagong parody ni Michael V, mapapanood sa 'Bubble Gang' this Sept. 20
- BFAR vessel na naghahatid ng fuel subsidy sa mga mangingisdang pinoy, binangga ng CCG vessel
- Cellphone ng 2 babae, kaswal na tinangay ng mga de-motorsiklong salarin
- Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, unbothered sa usapang kasalan; naniniwalang mangyayari sa tamang panahon
- Ilang miyembro ng pamilya Villar, sinampahan ng reklamong graft ng Office of the Ombudsman
- 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, sasabak sa Asian Games; target din ang 2028 at 2032 Olympics
- Immigration alert laban kina Rep. Leviste, ex-Rep. Paras at 5 iba pa, hiniling ng NBI
- Parallel investigation ng BI at NBI tungkol sa umano'y pagpapalusot sa mga illegal recruit, gumugulong na
- "Chika Cart" na may live-selling at hatid ay latest sa showbiz, mapapanood on GTV This Sept. 28
- Electric vehicle na nasa cargo ng barko kung saan galing ang sunog, inaalam kung mitsa ng sunog; EVs at HEVs, bawal na sa ibang shipping lines
- Rep. Ridon at Prosecution panel counsel Tolosa, nagsumite na ng tugon nang pagliwanagin ng Impeachment Court ukol sa paglabag sa sub judice rule
- PH Team, nagsimula nang dumating sa Nagoya bago ang opening ceremony bukas; Asian Games fever, dama na sa airport pa lang
- Will Ashley, nag-celebrate ng kaniyang 24th bday; Mika Salamanca, may sweet bday greeting
- May-ari ng kotseng nasagi ng rumerespondeng firetruck sa Makati, humarap sa LTO
- NBI Dir. Matibag, ipinagtanggol ang kaniyang maybahay sa mga patutsada ni Rep. Pulong Duterte
- Lalaki, sugatan ng saksakin ng rider
- Gumagawa ng Phl passport, humiling umanong itaas sa P1,500 ang standard fee mula P950
- Sanya Lopez, Jak Roberto, at Anjay Anson, makikisaya sa Pistang Pilipino sa Hiroshima, Japan
- Magical vibes ng freediving session ni Mikee Quintos sa Siquijor, hinangaan
- Motorsiklo, bumanga sa tricycle; rider sugatan
- Kambing na tila nag-mano sa mga amo, kinagiliwan
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.


